^

Probinsiya

Bangkay sa septic tank sumingaw sa buy-bust

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Bukod sa mga drogang nasamsam sa isang buy-bust operation ng pulisya, nadiskubre rin ang isang bangkay na inili­bing sa septic tank ng mga nahuling suspek sa Bacoor City, Cavite kahapon.

Ayon sa ulat mula sa tanggapan ni Police Colonel William Segun, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust operation sa Road 3 Tambakan, Brgy. San Nicholas 3, Bacoor City.

Nahuli sa buy-bust ang mga suspek na sina Jimmy Ecleo, Jhune Alexis, Albert Almojuela, Michael Angelo Ranay, Randy Abulencia, Alberto Diche, Arsenio Amante at Jhon Sazar.

Matagal nang may tip sa pulisya na may pinatay ang grupo at duon na nga kumanta si Ecleo na inilibing nila sa septic tank ang isang alyas Buboy sa ginagawang bahay na pag-aari ng mga suspek.

Kwento pa nito, dati nilang kasama ang biktima pero napaghinalaang asset ng pulisya kaya pinatay umano ng grupo at duon na rin inilibing. Agad na tinungkab ng mga awtoridad  ang ilalim ng lababo at duon na nga umalingasaw ang masangsang na amoy ng bangkay.

Kilala ang grupo sa illegal­ drug trade sa lugar at ka­ratig bayan nito at bukod dito ay pawang mga gun for hire rin umano ang mga ito.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with