^

Probinsiya

TESDA director arestado sa pampasabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
TESDA director arestado sa pampasabog
Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Muida S. Hataman, misis ni Abu Sayyaf sub-commander Radzmir Janatul, na nakabase sa Basilan na kasamahan ng isa pang lider na si Furuji Indama.

Misis ng lider ng Abu

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director na konektado umano sa Abu Sayyaf Group at misis ng isa sa mga matataas na lider ng grupo matapos silbihan ng search warrant at makumpiskahan ng mga kagamitan sa pampapasabog sa tahanan nito sa Brgy. San Rafael, Isabela City, Basilan nitong Martes.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Muida S. Hataman, misis ni Abu Sayyaf sub-commander Radzmir Janatul, na nakabase sa Basilan na kasamahan ng isa pang lider na si Furuji Indama.

Ayon kay Col. Tom Tuzon, Chief ng Regional Force Unit (RFU) 9 ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isinagawa ang operas­yon sa naturang lugar dakong alas-4:30 ng mada­ling araw sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte.

Nasamsam mula sa bahay ng suspek ang mga kagamitan sa pampasabog kabilang ang isang electric blasting cap, isang piraso ng 9 volt battery (HW Max ), isang piraso ng 40 MM, isang piraso ng projectile 766 MM na may wire, isang piraso ng hand held radio, apat na piraso ng cellular phone, 2 piraso ng laptop at isang Cordura sling bag.

Isinailalim na sa kustodya ng RFU 9 CIDG sa Zamboanga City ang nasakoteng suspek habang isinasailalim ito sa masusing tactical interrogation upang mabatid kung may ugnayan at gaano ito kalalim sa grupo ng Abu Sayyaf Group.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with