^

Probinsiya

Holdaper patay sa encounter

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Holdaper patay sa encounter
Sa ulat sa tanggapan ni P/Major Fercel Deloria, Police Station 2 commander, pasado alas-10:45 ng gabi ay nakatanggap ng tawag ang kanilang opisina na isang ginang na kinilalang si Ma. Rhea Bamba, 25, residente ng Purok 1, Brgy. Pampang ang hinoldap.

ANGELES CITY , Philippines  —   Napatay ng mga otoridad ang isang umano’y holdaper matapos maki­pagbarilan sa pulisya sa Villa Rosario Street, Brgy. Pampang ng lungsod noong Martes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Major Fercel Deloria, Police Station 2 commander, pasado alas-10:45 ng gabi ay nakatanggap ng tawag ang kanilang opisina na isang ginang na kinilalang si Ma. Rhea Bamba, 25, residente ng Purok 1, Brgy. Pampang ang hinoldap.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima nang biglang tutukan ng baril ng ‘di kilalang suspek lulan ng motorsiklo at sapilitang kinuha ang kanyang sling bag na naglalaman ng importanteng gamit at cash,

Agad na ini-report ang pangyayari at tiyempong nagpapat­rolya ang mobile ng pulis kaya’t agad na nakaresponde at nagsagawa ng manhunt operation laban sa suspek.

Naispatan naman nila ang suspek at nang kanilang makorner ay dito na nagpaputok ng kanyang baril kung kaya napilitang gumanti ang mga otoridad sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa suspek ang isang cal.38 baril, tatlong small plastic heat sealed sachet ng shabu, drug paraphernalia at sling bag na kulay pink na tinangay nito sa biktima.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with