^

Probinsiya

Manager ng security agency itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Manager ng security agency itinumba
Kinilala ni Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police ang nasawi na si Simon Delos Santos, operations manager ng Sidekick Force Agency habang inoobserbahan sa ospital si Monaliza Esquibil, 31, kinakasama ng matanda at nagpapatakbo ng ahensya nito.
File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang 63-anyos na manager ng isang security agency habang kritikal ang kanyang live-in partner matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Brgy. Caritan Centro ng lungsod na ito noong Lunes.

Kinilala ni Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police ang nasawi na si Simon Delos Santos, operations manager ng Sidekick Force Agency habang inoobserbahan sa ospital si Monaliza Esquibil, 31, kinakasama ng matanda at nagpapatakbo ng ahensya nito.

Sa imbestigasyon, sakay ng Mitsubishi Mirage ang mga biktima nang paulanan ng bala ng mga pinaniniwalaang bayarang berdugo dakong alas-6:00 ng gabi at saka tumakas.

Dead-on-arrival ang matandang manager nang mairating sa ospital.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.

vuukle comment

TUGUEGARAO CITY CAGAYAN CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with