^

Probinsiya

Tserman itinumba sa Father’s Day

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Malungkot ang pagdiriwang ng Father’s Day ng pamilya ng isang barangay chairman matapos na tambangan at pagbabarilin ang huli ng mga hindi kilalang salarin sa tapat mismo ng kanyang tahanan sa Purok 4 ng Barangay San Ricardo, bayan ng Talavera ng lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Talavera Police, nasawi agad ang biktima na si Barangay Captain Arniel Bernardo, 61-anyos, may-asawa, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-10:40 ng gabi nangyari ang pana­nambang sa tserman habang kadarating lang nito sa gate ng kanyang bahay.

Napag-alaman na nagbisikleta lang paalis at pabalik ang biktima sa kanilang bahay galing sa isang ka-barangay. Nang makarating sa kanila, dito na umano walang habas na pinagbabaril ang tserman ng mga nakaabang na suspek. Agad na tumakas ang mga suspek patungo sa silangang direksyon o sa bayan ng Llanera, NE.

Patuloy na sinisiya­sat ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho bilang tserman o personal ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with