^

Probinsiya

2 militanteng Karapatan itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 militanteng Karapatan itinumba
Kinilala ang mga biktima na sina Ryan Hubilla, estud­yante ng senior high school, residente ng Brgy. Trece Martirez at Nelly Bagasala, nasa hustong gulang at residente ng bayan ng Barcelona.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay. Philippines — Bulagta ang dalawang staff ng militanteng grupong “Karapatan” matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nasa loob ng isang tricycle sa Phase 2, Seabreeze Homes, Brgy.Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Ryan Hubilla, estud­yante ng senior high school, residente ng Brgy. Trece Martirez at Nelly Bagasala, nasa hustong gulang at residente ng bayan ng Barcelona.

Sa inisyal na ulat ni Col. Bong Buslig, provincial director ng Sorsogon Police, dakong alas-8:50 ng umaga habang sakay sa tricycle na minamaneho ni Jose Romero Beriña ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspek at sila ay pinagba­baril.

Kinumpirma ni Vince Ca­silihan ng Bayan-Bicol na pa­rehong staff ng Karapatan-Sorsogon sina Hubilla at Bagasala at pumunta lang sa lugar dahil may kakausapin. Sa kanilang sariling inisyal na imbestigasyon, nagbaba­yad na ng pamasahe sa tricycle driver ang kanilang mga kasamahan nang dumating ang mga suspek lulan ng motorsik­lo at pinagbabaril ang mga biktima.

Mahigpit na kinondena ng grupong Karapatan sa Bicol ang pamamaslang sa kanilang mga kasapi.

vuukle comment

KILLED BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with