^

Probinsiya

Itatayong pabrika, prinotesta

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

TARLAC, Philippines — Nagsagawa ng motorcade rally ang mga residente na pinangunahan ng “Coalition of Concerned Citizens of Bamban” upang kondenahin ang planong pagtatayo ng isang pabrika ng semento sa nasabing bayan kahapon ng umaga.

Mariing tinututulan ng grupo na maitayo ang planta ng Big Boss Cement Factory sa Sitio Pinandakitan, Brgy. Dela Cruz, Bamban, Tarlac na isang irrigated ricefield na sinasabing nare-classify na Industrial Zone.

Pangamba ng mga residente, may masamang dulot sa kapaligiran sakaling matuloy ang pagtatayo o ope­­rasyon ng nasabing planta ng semento dahil makasisira umano ito sa mga pananim ng mga magsasaka at ma­ging sa kalusugan nilang nakatira dito na 300 metro lamang ang layo nito.

Sa kabila nito, magsasagawa pa umano ng pa­ngalawang public consultation dahil sa nakita umano ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) at ng pamunuan ng Big Boss Cement Factory ang mahigpit na pagtutol ng mamamayan ang planong pagtatayo ng planta upang maipaliwanag din ang kanilang panig na taliwas sa napabalitang walang public consultation na naganap, ayon sa dating alkalde ng bayan.

Sinisikap pa ng PSN na makuhanan ng pahayag si Bamban Mayor John Feliciano kaugnay sa usaping ito.

vuukle comment

BIG BOSS CEMENT FACTORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with