^

Probinsiya

‘Tulak’ utas, 7 huli sa drug ops

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Isa ang patay habang arestado ang pitong iba pa sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa tatlong bayan at isang lungsod sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

 Kinilala ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, ang napatay sa operasyon na si Ferdinand Rapanot, alyas Poktong, 54, may-asawa, isang tricycle driver ng Brgy. Quezon District, Cabanatuan City.

Ang umano’y tulak ng droga na nahuli sa operasyon ng Cuyapo Police ay kinilala namang si Norlie Domingo, 29; habang si Jeffrey Fernando, 35, ay nadakip ng Cabanatuan City Police at si Albert Domingo alyas Allan, 42, ay bumagsak sa kamay ng Talavera Police.  Natiklo rin habang bumabatak umano sa shabu session sina Bernardo Santiago, 52; at ang magpipinsan umanong sina Neil Guillermo, 48; Ruel Guillermo, 39; at Jonathan Guillermo, 34.

Ayon sa San Isidro Police, alas-4:45 ng madaling-araw noong Hunyo 14, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa General de Jesus St., Brgy. Poblacion, San Isidro, at pinaputukan umano ng baril ng suspek na si Rapanot ang poseur-buyer na nagawang makailag. Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay si Rapanot at nakuha sa kanya ang isang platic sachet ng shabu, isang calibre 9mm pistol at itim na tricycle (6690-RW).

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with