^

Probinsiya

3 terorista todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 terorista todas sa encounter

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinala­ang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos na makasagupa ang tropa ng militar sa engkuwentro sa liblib na lugar sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro nitong Huwebes ng hapon.

 Ayon kay Captain Jay Patrick Retumban, Spokesman ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), bandang ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang bakbakan sa Sitio Mawan, Panaytayan, Mansalay.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang pinagsanib na elemento ng   tropa ng Army’s 4th Infantry Battalion (IB), 76th Infantry Battalion  sa ilalim ng Army’s 203rd Infantry Brigade (IB)  at ng pulisya sa nasabing lugar nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng komunista.

Tumagal ng dalawang oras at kalahati ang bakbakan sa pagitan ng security forces at nasa 40 NPA rebels na kumikilos sa Oriental Mindoro.

Sa report ni Brig. Gen. Marcelian Teofilo, commander ng Army’s 203rd IB na nakatanggap sila ng impormasyon na nagsasagawa ng pagsasanay sa armadong pakikidigma ang NPA rebels sa mga bago nitong recruit na menor-de- edad sa nasabing lugar.

 Narekober sa lugar ang tatlong bangkay ng mga napatay na rebelde, tatlong M16 rifles, isang AK 47 rifle, isang cal. 45 rifle na may dalawang magazine, isang grenade launcher tube, dalawang Improvised Explosive Device (IED) na may switch, tatlong blasting cap, sari-saring mga bala at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

AMBUSH

NEW PEOPLE’S ARMY

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with