^

Probinsiya

Mag-ama tinumbok ng pick-up, anak na estudyante durog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Durog ang isang 15-anyos na dalagitang estudyante matapos tumbukin at kaladkarin ng rumaragasang Mitsubishi Estrada pick-up ang sinasakyan nilang motorsiklo ng kanyang ama sa Brgy. Lulutan, Ilagan City, Isabela kamakalawa.

Sa report kay P/Lt. Colonel Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police, kinaladkad ng pickup ng halos 10 metro sina Severino Zalun, 45-an­yos at angkas niyang anak na si Shariemae na kanyang hinahatid sa paaralan nang mangyari ang sakuna dakong alas-2:00 ng hapon.

Sinikap isugod ng mga sumaklolo ang mag-ama sa ospital subalit binawian ng buhay ang dalagita. 

Nasa kustodya na ng pulisya ang drayber ng pick-up na si Cesar Villanueva, 58, na taga-Brgy. Malasin at iniim­bestigahan kung lango sa droga o alak nang mangyari ang aksidente. 

vuukle comment

CRIME

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with