^

Probinsiya

Ama hinataw ng bakal ng anak, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ama hinataw ng bakal ng anak, patay!
Agad na nasawi dahil sa pagkabasag ng kanyang ulo at mga sugat sa katawan ang biktima na kinilalang si Cesar Guipe, may-asawa ng nasabing lugar.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  —  Kahindik-hindik na kamatayan ang inabot ng isang 46-anyos na barangay tanod matapos paghahatawin ng bakal na “motor shock” sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng kanyang binatang anak habang kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Malubi, Aroroy, Masbate kamakalawa ng tanghali.

Agad na nasawi dahil sa pagkabasag ng kanyang ulo at mga sugat sa katawan ang biktima na kinilalang si Cesar Guipe, may-asawa ng nasabing lugar.

Tinutugis naman ng mga pulis ang suspek na si Lizel “Ambo” Guipe, 30-anyos, anak ni Cesar, nang tumakas matapos ang ginawang pagpatay sa ama.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng tanghali habang kumakain umano ng kanilang pananghalian sa loob ng kanilang bahay ang mag-ama nang magkaroon ang dalawa ng pagtatalo.

Gayunman, tinapos muna ng anak ang pagkain at walang kibong tumayo. Pero lingid sa ama, kinuha ng anak ang motor shock at ilang sandali ay walang kibong binalikan ang una at bigla nitong pinaghahampas sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan habang kumakain.

Mabilis na tumakbo ang suspek makaraang makitang duguan at patay na ang ama.

vuukle comment

MOTOR SHOCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with