^

Probinsiya

Mister pinatay habang nanonood ng TV

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 33-anyos na mister makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa harapan ng bahay ng lolo ng kanyang asawa sa Brgy. Progreso, San Fernando, Masbate kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang si Arnel Espenilla, isang magsasaka ng Brgy. Buenos Aires.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, dumalaw si Espenilla at nakipanood ng telebisyon sa lolo ng kanyang asawa na si Telesforo Cantre. Pero habang abala sa panonood ay may tumawag sa biktima sa labas ng bahay kaya siya lumabas upang tingnan ito.

Gayunman, dalawang minuto lang ang lumipas ay sunod-sunod na putok ang narinig at nang tingnan ni Cantre ay nakitang nakabulagta na ang biktima sa harapan ng kanilang gate. Hindi pa malaman kung ano ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

LEGAZPI CITY ALBAY CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with