^

Probinsiya

‘Tulak’ utas, parak sugatan sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� utas, parak sugatan sa buy-bust
Isinugod pa sa Fernando Duran Sr. Memorial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival makaraang mapuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Patrick Francisco Arevalo, residente ng Urban Poor, Purok-6, Brgy. Balogo. Nagpapagaling naman sa tinamong sugat sa kaliwang binti si Master Sgt. Domingo Jalmasco Eraca ng Regional Intelligence Division (RID) makaraang mabaril ng suspek.

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Bulagta ang isang 27-anyos na umano’y notoryus na tulak ng droga habang sugatan ang isang pulis matapos na mauwi sa barilan ang ginawang buy-bust operation laban sa suspek sa Brgy. Capuy, West District, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Fernando Duran Sr. Memorial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival makaraang mapuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Patrick Francisco Arevalo, residente ng Urban Poor, Purok-6, Brgy. Balogo. Nagpapagaling naman sa tinamong sugat sa kaliwang binti si Master Sgt. Domingo Jalmasco Eraca ng Regional Intelligence Division (RID) makaraang mabaril ng suspek.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi inilatag ng drug enforcement unit ng Sorsogon City Police at ng RID-5 ang buy-bust operation laban kay Arevalo. Gayunman, nakahatala ang suspek na mga pulis ang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinutukan ang mga operatiba na agad namang gumanti. Duguang bumulagta ang suspek na agad dinala sa ospital habang isinugod sa Sorsogon Provincial Hospital si Eraca.

Nakuha sa napatay na suspek ang kalibre .38 na may limang bala, 16 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with