^

Probinsiya

‘Alma Moreno’ kinatay habang naliligo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —   Duguan at patay na nang matagpuan ng mga residente at kanyang kamag-anak ang isang 22-anyos na misis na kapangalan ng actress-politician na si Alma Moreno matapos pagsasaksakin habang naliligo malapit sa kanilang bahay sa Sitio Binisitahan, Brgy. Maysalay, Goa, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa St. John Hospital pero idineklarang patay dahil sa dami ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Alma Bermejo Moreno, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, pasado alas-6 ng gabi lumabas ang biktima para maligo sa poso malapit lang sa kanilang bahay nang lapitan at pagsasaksakin ng hindi nakila­lang suspek.

Dahil sa mga sigaw ng biktima, agad rumesponde ang mga residente at kamag-anak at nakitang duguang nakahandusay na ito habang nakatakas naman ang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with