^

Probinsiya

Trak bumaliktad: 14 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trak bumaliktad: 14 patay
Tulung-tulong ang mga residente at mga pulis sa pagsagip sa mahigit 50 katao na lulan ng isang truck makaraang sumirko na ikinasawi ng 14 na sakay sa Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur noong Sabado ng hapon.
Kuha ni Jorge Hallare

Galing sa pamamanhikan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Labing-apat na magka-kamag-anak ang nasawi kabilang ang isang babae na nakatakdang ikasal habang 37 iba pa ang nasuga­tan makaraang mawalan  ng preno at sumirko ang sinasakyan nilang truck sa palusong na bahagi ng municipal road matapos ang kanilang pamamanhikan sa Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur noong Sa­bado ng hapon.

Agad nasawi matapos maipit at madaganan ng truck ang mga biktimang sina Ailene Mirasol Pelaez, 48; Ramona Pelaez, 53; Sherwin Mendosa,18, Pedro Pelaez, Erwin Mendosa at Victoria Delos Reyes, 35; pawang residente ng Brgy. Magsayo at Brgy. Grijalvo.

Dead-on-arrival naman sa pagamutan sina Minda Sesiñano, Ramil Serrano, Marvin Chavez, Monalie Tariman, Mark Pelaez, Edcel Regodon, Agnes Farol at ang bride-to-be na si   Bea Lucilo, 16-anyos, residente ng Brgy. Ngaran.

Nilalapatan din ng lunas sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga suga­tang sina Jomarie Ercia, Gladys Portuguese, Mike Pelaez, Carol Noble, Aiza Farol, Restituto Farol, Ruben Farol, Marlon Bosito, Salve Pelaez, Floriano Pelaez, Richly Floriano, Marisol Pelaez, Judian Cortez, Mario Jacobo, Jumar Solo, Judith Portuguese, Glydel Mendosa, Maryjane Jacobo, Florian Alde, Joy Reyes, John Cedrick Bosito, Christopher Capin, Frederick Delos Reyes, Shailin Pelaez, Sherwin Mendosa, Melody Cafe, Christoper Cafe, Prences Quiom, Jeffrey Bosito, Alvin Mangozo, Janica Mirasol, Shaina Cortez, Laiza Cortez, Menchie Pelaez, Mark Anthony Lucilo, Monalie Mayores at Mercy Lunas.

Sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon pauwi na sa Brgy. San Joaquin ang mga biktima mula sa ginawang pamamanhikan sa Brgy. Ngaran lulan ng Foton Truck (GC-2316) na pag-aari ng munisipyo ng San Fernando at minamaneho ni Mario Jacobo nang mawalan ng preno at gumewang sa palusong na bahagi hanggang sa rumampa sa shoulder ng kalsada.

Sumirko pa ang truck ng ilang beses pababa dahilan para tumalsik ang karamihang sakay at nadaganan ang mga namatay.

Agad na sinaklolohan ng mga residente at mga pulis ang mga biktima na isinugod sa ospital.

Ayon kay Chief Master Sgt. Victor Silao ng San Fernando Police, hindi nakasama sa mga sakay ang groom-to-be o ang mapapangasawa ni Lucilo na hindi pa pinangalanan dahil sa nagpaiwan ito sa bahay ng huli makaraang hindi siya magkasya sa overloaded na trak. Gemma Garcia

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with