^

Probinsiya

5-anyos pinatay sa gulpi ni itay!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa natapon at nilarong bigas

MANILA, Philippines – Patay sa gulpi ang isang 5-anyos na paslit sa kamay ng sarili nitong ama matapos na magalit ang huli matapos na paglaruan umano ng bata ang kanilang bigas na natapon sa kanilang tahanan sa Purok 7, Brgy. Kinamon, Sto. Tomas, Davao Del Norte, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Rey Corsiga Momo habang ang suspek na tatay nito ay si Gilbert Antonio Momo, 32-anyos.

Batay sa ulat ng pulisya, aksidenteng natapon umano ang bigas sa sahig at naabutan ito ng ama na nilalaruan umano ng bata ang mga natapong bigas bandang alas-10:45 ng gabi.

Dahil dito, nagalit ang tatay at kanyang sinampal ang bata at binugbog hanggang sa mahulog sa hagdan at kanya pa itong ginulpi hanggang sa mawalan nang malay ang paslit.

Mabilis pang naisugod ang biktima sa Municipal Health Center sa Brgy. Tibal-og, Sto. Tomas, Davao Del Norte upang bigyan ng medikal na atensiyon subalit idineklarang dead-on-arrival.

Agad namang natimbog ng Sto. Tomas Municipal Police ang amang suspek  at iniha­handa na ang kasong pagpatay laban sa kanya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with