^

Probinsiya

Ampon, mister kinatay ng amaing pastor

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang ampon na ginang at mister nito nang pagtatagain ng sariling amaing pastor sa Sitio Gasi, Barangay Marabatuan, Jose Abad Santos, Davao Occidental kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Jose Abad Santos Municipal Police Station (JASMPS), kinilala ang mga biktima na sina Marimar Muntad, nasa hustong gulang at mister nitong si Gener Muntad, kapwa residente ng nasabing lugar.

Kinilala ang suspek na pastor na si Ojil Lakina, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, pinagtataga umano ni Lakina ang kanyang adopted daughter na si Marimar at mister na si Gener matapos ang mainitang pagtatalo sa ‘di tinukoy na dahilan.

May bitbit na itak ang pastor nang kausapin ang anak-anakang si Marimar ngunit hindi umano nagkasundo ang dalawa kaya nauwi sa pa­nanaksak bandang alas-7:00 ng umaga. Unang pinatay ng pastor ang anak-anakan at isinunod na pinagtataga si Gener nang tangkain nitong saklolohan ang misis.

Maging ang kapitbahay ng mag-asawang Muntad na ‘di tinukoy ang pangalan ay nasugatan sa likod matapos din siyang habulin ng taga.

Nang mahimasmasan, agad na sumuko si Lakina sa mga tauhan ng Jose Abad Santos Police.

Kasong double murder at frustrated murder ang isasampang kaso laban sa suspek. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with