^

Probinsiya

2 ‘drug pusher’ bulagta, 5 timbog sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang lalaki na tulak umano ng droga ang nasawi habang naaresto ang limang iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa mga lungsod ng Cabanatuan at San Jose kahapon.

 Sa natanggap na ulat ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, kinilala ang mga napatay na sina Christopher Santiago at Alvin Garcia; kapwa ng Cabanatuan City.

 Nakilala naman ang limang naaresto na sina Jerome Flores, 21, binata; Jervin Domingo, 22, binata; Herman Hipolito, 36, may-asawa, isang photographer; Erica Espinosa, 23, dalaga; at Jonathan Roque, 25, binata; pawang mga nakatira sa Zone 10C, Brgy. Abar 1st, San Jose City, Nueva Ecija.

 Ayon sa Cabanatuan City Police, alas-4:20 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang drug enforcement unit (DEU) sa pamumuno ni P/Capt. Ronan James Eblahan sa Purok Matulungin, Brgy. Barrera. Nanlaban umano sina Santiago at Garcia nang matunugan na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya sila napatay. Nakuha rito ang 13 plastic sachet ng shabu, isang caliber .45 pistol, isang cal .38, isang P500 buy-bust money, isang Honda TMX 125 tricycle at isang motorsiklo na walang plaka.

 Nagsagawa rin sina Capt. Eblahan ng buy-bust sa Purok Mulawin 1, Brgy. Bitas, bandang alas-6:20 Huwebes ng gabi na ikinaaresto nina Flores at Domingo.

Naaresto rin ng San Jose Police sina Hipolito, Espinosa at Roque sa buy-bust operation sa Brgy. Abar 1st, San Jose City, bandang ala-1:30 ng madaling-araw noong Biyernes.

 

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with