^

Probinsiya

Jeep swak sa bangin: 3 dedo, 26 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi habang 26 ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeepney sa karambola ng tatlong behikulo sa Tagbilaran Bay, Tagbilaran City, Bohol kamakalawa .

 Kinilala ang mga nasawi na sina Felixberta Cabillanes, 70; Margarito Jamisola, 27 at Eusebia Cubian.

Sina Cabillanes at Jamisola ay dead-on-arrival sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital samantalang si Cubian ay binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas. Patuloy namang inoobserbahan ang mga nasugatang biktima kabilang ang mga batang 1-anyos at 2-anyos.

 Bandang alas-3 ng hapon habang binabagtas ng isang public utility vehicle (PUJ) na minamaneho ni Jovelito Curangcurang at may rutang Tagbilaran City-Loay nang magloko ang makina nito habang bumabagtas sa Mansasa-Dampas Road bago sumalpok sa isa pang jeepney at isang kotseng Sedan.

Sa lakas ng pagkakabangga, nahulog sa talampas ng matarik na highway ang jeep na bumulusok sa bangin patungo sa Tagbilaran Bay.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang Tarsier 117 Rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

 

vuukle comment

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with