^

Probinsiya

Lady ‘reporter’ tiklo sa baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang babaeng nagpakilalang reporter ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng hindi lisensyadong armas sa kanyang bag sa inspection area ng Coron Port, Coron, Palawan nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni MIMAROPA Police Spokesman Police Lt. Colonel Socrates Faltado ang inarestong suspect na si Jennifer Figalan Maguilan, 28-anyos, dalaga at residente ng Chateau Ely See Don Bosco, Parañaque City.

Si Maguilan ay nagpakilala umanong reporter ng Hotline Manila newspaper na nakabase sa National Capital Region (NCR) at isang lokal na turistang nagbabakasyon sa lugar.

Bandang alas-2:30 ng hapon nang mahulihan si Maguilan ng isang hindi lisensyadong cal. 22 beretta pistol na may magazine at kargado ng walong bala sa Coron Port sa Brgy. Tagumpay, Coron, Palawan.

Ayon kay Faltado si Maguilan ay kabilang sa mga pasahero ng M/V June na patungong Maynila.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with