^

Probinsiya

1 pang bloke ng cocaine nalambat

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
1 pang bloke ng cocaine nalambat
Sa ulat ng Police Regio­nal Office (PRO) V, ang na­sabing floating cocaine ay napasama sa lambat ng tatlong mangingisdang sina Nilo Aguilar, 38; Jo Dungaran, 42, at Joven Cambi, 24; pawang naninirahan sa Brgy. Sta Barbara, nasabing munisipalidad.

MANILA, Philippines — Isang bloke ng cocaine na umaabot sa P5.6 milyong halaga ang nalambat na naman ng mga mangingisda sa karagatan ng Rapu-Rapu sa lalawigan ng Albay, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Police Regio­nal Office (PRO) V, ang na­sabing floating cocaine ay napasama sa lambat ng tatlong mangingisdang sina Nilo Aguilar, 38; Jo Dungaran, 42, at Joven Cambi, 24; pawang naninirahan sa Brgy. Sta Barbara, nasabing munisipalidad.

Bandang alas-11 ng gabi nitong Lunes, nang malambat ng tatlong mga mangingisda ang isang bloke ng cocaine. Ito ay nababalutan ng kulay kayumangging packaging tape nang mapasama ito sa lambat pangisda sa hangganan ng bayan ng Rapu-Rapu at Prieto Diaz sa Sorsogon. Nang kanilang buksan ang laman ng kahon, tumambad ang kulay puting pulbos na may hindi kaaya-ayang amoy at dinala nila ito sa pulisya dakong alas-9 ng umaga nitong Martes.

Ayon kay Police Lt. Colonel Malou Calubaquib, spokesperson ng PRO-V,  ang bloke ng hinihinalang cocaine na nasa isang kilo ay isinailalim na sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory sa Bicol.

Magugunita na noong Mayo 17 at Mayo 28 ay nakakuha rin ang mga mangi­ngisda ng 40 blokeng cocaine na nagkakahalaga ng P218 milyon sa karagatang sakop ng Gubat, Sorsogon.

vuukle comment

COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with