^

Probinsiya

Kuya inutas ni utol sa birthday party!

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Kuya inutas ni utol sa birthday party!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gerardo Nachor, 51, hiwalay sa asawa at magsasaka ng nasabing barangay na idineklarang dead-on-arrival sa City Health Unit sanhi ng mga saksak na tinamo sa kanyang tiyan at panga.

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija, Philippines  —  Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng kaarawan matapos masawi ang isang 51-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng nakababatang kapatid sa Brgy. San Felipe ng lungsod na ito noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gerardo Nachor, 51, hiwalay sa asawa at magsasaka ng nasabing barangay na idineklarang dead-on-arrival sa City Health Unit sanhi ng mga saksak na tinamo sa kanyang tiyan at panga.

Nakilala naman ang suspek na si Ferdinand Nachor, 46-anyos, hiwalay sa asawa at magsasaka rin ng nasabing lugar matapos na mapagtanto umano nito ang kanyang kamalian at kusang sumama sa mga pulis patungo sa presinto.

Sa imbestigasyon, alas-9:45 ng gabi habang nag-iinuman ng alak sina Ferdinand at Gerardo kasama ang ilan pa nilang pinsan at mga kamag-anak nang biglang sumiklab ang pagtatalo ng magkapatid na nauwi sa suntukan.

Hindi nagtagal, naawat ang dalawa at umuwi si Ferdinand sa kanyang bahay na malapit lang din sa lugar. Ngunit hindi roon nagtapos ang lahat nang kumuha ng kutsilyo si Ferdinand at bumalik sa lugar. Nagulantang ang lahat nang agad na nilapitan ang kuya at inundayan ng saksak sa tiyan at panga ang biktima.

vuukle comment

CRIME

STABBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with