^

Probinsiya

Dalaga na nakulong, itinumba

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 46-anyos na dalaga na dating inmate sa provincial jail makaraang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa may Sitio Aplan, Brgy. Soledad sa bayang ito, iniulat kahapon.

Kinilala ng Sta. Rosa Police ang biktima na si Marvien de Guzman, 46, dalaga, residente ng nasabing lugar. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima matapos tamaan ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-8:45 ng gabi noong Linggo, sakay ang biktima ng tricycle na minamaneho ng kanyang kapitbahay na 17-anyos at pauwi na sa kanyang bahay nang buntutan ng isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.

Pagbaba umano ng biktima, agad siyang nilapitan ng dalawang suspek. Bumunot ng baril ang nagsilbing backrider na suspek at agad pinaputukan nang sunud-sunod ang biktima hanggang sa bumagsak ito.

Nakulong umano ang biktima sa Nueva Ecija Provincial Jail mula 2014 hanggang 2016 sa hindi tinukoy na kaso na maaaring motibo sa krimen.

vuukle comment

NUEVA ECIJA CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with