^

Probinsiya

10 Vietnamese nasabat sa illegal fishing

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
10 Vietnamese nasabat sa illegal fishing
Ilan sa mga naarestong mangingisdang Vietnamese na lulan ng dalawang bangka at iligal na nangingisda sa karagatan sa hilagang Luzon.
Larawan mula sa Philippine Coast Guard

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Sampung mga Vietnamese national ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahuli sa aktong nagsasagwa ng iligal na pangingisda sa karagatan ng Calayan Island sa Cagayan, ayon sa ulat kahapon..

Ayon sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga dayuhang ma­ngingisda ay dinakip ng kanilang mga operatiba sa magkahiwalay na lugar nitong Sabado, kabilang ang dalawang fishing vessels sa nasasakupan ng Dalapuri Island sa bayan ng Calayan.

Nakilala ang dalawa sa 10 dayuhan na sina Huynk Thank Tat at Mguyen Minh Cuong, kapwa kapitan ng dalawang fishing vessels na sinakyan ng mga dayuhang mangingisda.

Ang mga nahuling dayuhan kabilang ang dalawang Bangka ay nasa pangangalaga ngayon ng mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10654 (Section 91 and 115).

vuukle comment

ILLEGAL FISHING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with