^

Probinsiya

Batang mag-utol pinasok, kinatay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Nueva Ecija, Philippines — Nasa malubhang kala­gayan ang magkapatid na menor-de-edad makaraan silang pasukin at saksakin ng hindi nakilalang suspek habang nanonood ng telebis­yon sa loob ng kanilang bahay sa Purok 5, Barangay Sta. Rita, sa bayang ito, noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, ang dalawang bata na itinago sa mga pangalang Lourdes, 10-taong gulang at Remegio, 8-taong gulang, ay kapwa ginagamot ngayon sa Premiere Medical Center sa Cabanatuan City.

Base sa imbestigasyon ng Quezon Police, alas-9 ng umaga, pansamantala umanong iniwan sa kanilang bahay ang magkapatid na paslit ng kanilang ina para maglabada sa kapitbahay.

Habang nanonood ng cartoons sa telebisyon, bigla umano silang pinasok ng isang hindi kilalang suspek na katamtaman ang panga­ngatawan, sunog ang balat at nakasuot ng kulay gray na t-shirt at dark short pant. Mabilis na pinagsasaksak nito ang magkapatid na paslit at kaswal na naglakad palayo sa crime scene.

Agad itinakbo ng mga sumaklolo ang dalawang bata at hindi naman masabi ng testigo kung matino o may sakit sa pag-iisip ang suspek.

vuukle comment

NUEVA ECIJA CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with