^

Probinsiya

3 mag-uutol patay sa hukay ng BCDA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 mag-uutol  patay sa hukay ng BCDA
Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Richel Gutierez, 7 at mga kapatid na sina Raymar Bruno, 9, at Eunice, 10-anyos, mga residente ng Barangay Cutcut ng nabanggit na bayan.

MANILA, Philippines — Tatlong batang magka­kapatid ang nasawi makaraang aksidenteng malunod habang naliligo sa isang malalim at malawak na hukay na puno ng tubig-ulan na bahagi ng proyekto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Capas, Tarlac kamakalawa.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Richel Gutierez, 7 at mga kapatid na sina Raymar Bruno, 9, at Eunice, 10-anyos, mga  residente ng Barangay Cutcut ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Capas Mayor Reynaldo Catacutan, ang ginagawang hukay ng BCDA ay para sa kasalukuyang New Clark City Project na inihahanda para sa hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

Sa ulat ng Tarlac Police, bandang  alas-10  ng umaga nang matagpuan ang mga nakalutang na bangkay ng mga bata sa hukay na napuno ng tubig-ulan.

Ayon sa imbestigasyon, nagkatuwaang maligo sa tubig-ulan sa nasabing hukay ang tatlong biktima na nakita pa ng ilang mga kabataan.

Nabatid na isang Jelvin Umali ang napadaan sa lugar at siyang nakadiskubre sa mga biktima na pawang nakalutang na at wala nang buhay kaya agad niyang ini-report sa mga awtoridad.

Ang mga biktima ay nakatira may 1.2 kilometro ang layo sa construction site at naiwan sila sa pangangalaga ng kanilang tiyahin.

vuukle comment

BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY

DROWNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with