^

Probinsiya

Mag-asawa, 1 pa tiklo sa P.2-M shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Nadakma ng Gen. Trias City Police ang isang mag-asawa na umano’y big-time na tulak at isa pa nilang kamag-anak matapos makumpiskahan ng nasa P.2 milyong halaga ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Paul Bometivo, hepe ng pulisya, ang mga suspek na sina Glizel Lagrosa, 46-anyos; misis nito na si Jenny, 34; kapwa nasa drug watchlist ng pulisya at Saida Amad, 19, pawang mga tubong Mindanao at residente ng Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco ng lungsod.

Sa panayam kay Col. Bometivo,  bago nila isinagawa ang buy-bust ay isinailalim muna nila ng may ilang araw ang mga suspek sa surveillance. Nang magpositibo ang talamak na pagtutulak nila ng droga ay isinagawa ang buy-bust.

Tumayong buyer ang isang miyembro ng Drug Enforcement Unit at nakipag-transact sa mga suspek.

Ala-1:00 ng madaling araw ikinasa ang operasyon kasama ang ilang miyembro ng PDEA-4A sa loob mismo ng nasabing village kung saan nakatira ang mga suspek na ikinaaresto ng tatlo.

Nasamsam sa mga suspek ang may 11 plastic sachet ng shabu na aabot sa may 31.22 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P200,000.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with