^

Probinsiya

Buy-bust sa sementeryo: Alias ‘Bungo’ todas

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Napatay ang isang kilalang drug peddler at courier na mas kilala sa tawag na alias “Bungo” sa kanilang lugar matapos umanong manlaban sa buy-bust operation ng Silang Police habang tatlo pa ang naaresto sa loob ng isang sementeryo ng Brgy. Maguyam, Silang, ng lalawigan.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Cpl. Benjamin Gran, ala-1:45 ng madaling araw nang ikasa ng pulisya ang buy-bust laban kay alias Bungo sa Bulihan Cemetery sa Brgy. Maguyam, na pina­ngunahan ni  P/Capt. Norman Catsao kasama ang PDEA at isa sa pulis ang tumayong buyer ng droga na nakipag-deal sa suspek.

Hindi pa man natatapos ang transaksyon ay nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang kaharap kung kaya pumalag ito at pinaputukan ang kapulisan. Dito na nauwi sa engkuwentro at napatay ang suspek.

Naaresto rin sa operas­yon ang tatlo pang drug suspect na nakilalang sina Allan Ajero, 50, lapida maker,  ng Brgy. Acacia, Silang; Edwin Ancia, 40, ng Blk. 60 Lot 7 Brgy. Ipil 1, Silang at si Ernesto Daan, 42, construcion worker, ng Blk. 62, Lot 23, Brgy. Ipil  ng bayan ding ito.

Narekober sa napatay na suspek ang isang caliber .38 revolver at mga bala, dalawang fired cartridge case ng caliber .38, isang fired cartridge ng caliber .9mm at pitong plastic sachet ng shabu habang nasamsam sa mga naarestong suspek ang tatlong lighter, mga pera, aluminum foil at ilang sachet ng shabu.

vuukle comment

BENJAMIN GRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with