^

Probinsiya

2 binatilyo durog sa dump truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 binatilyo durog sa dump truck
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Christian Roy Miguel at angkas nitong si John Lloyd Badua, kapwa residente ng nasabing lungsod.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Hindi na inabutan ng pasukan ang dalawang 16-anyos na binatilyo na nagkapira-piraso matapos salpukin at madaanan ng rumaragasang dump truck ang kanilang motorsiklo sa highway ng Brgy. Magnuang, Batac City, Ilocos Norte noong Biyernes. 

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Christian Roy Miguel at angkas nitong si John Lloyd Badua, kapwa residente ng nasabing lungsod. 

Lumalabas sa imbestigasyon na umagaw ng linya ang mga biktima sa kurbadang kalsada nang makasalubong nila ang trak na minamaneho ni Allen Stephen Bartolome, 34, na nagresulta sa matinding salpukan dakong alas-12:00 ng tanghali. 

Ayon sa report, sa  tindi ng banggaan ay pumailalim pa sa trak ang motorsiklo at si Miguel habang nagulungan at napisak si Badua na hindi na makilala ang bangkay. Nabatid na kapwa walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang aksidente habang sumuko sa pulisya ang nakasalpukang si Bartolome.

vuukle comment

BATAC CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with