‘Tulak’ bulagta sa buy-bust
MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang notoryus na drug pusher matapos na manlaban sa buy-bust operation sa Brgy. 30, Cavite City kamakalawa dakong alas- 9 ng gabi.
Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel William Segun, kinilala ang napatay na drug pusher na si Salvador Santiago, 49. Ang suspek ay nasa drug watchlist ng pulisya at ilang linggo ring isinailalim sa surveillance operation. Nasamsam sa operasyon ang ilang sachet ng shabu at isang cal. 38 pistol na gamit ng nasabing tulak ng droga.
- Latest