^

Probinsiya

Datu ng tribo dinukot, kinatay ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isang datu ng tribo ng mga katutubo makaraan itong dukutin ng limang mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tagbuaya, Brgy. Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rodito Lapugan Boklas alyas Datu Boklas, 40 taong gulang, Datu ng tribo ng mga katutubong Mamanwa.

Sa ulat ng CARAGA Police, bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ng asawa at anak ng biktima ang bangkay ng huli na may mga saksak sa katawan sa kabundukan ng Mt. Amontay, Sitio Tagbuaya, Brgy. Bangonay.

Ang biktima ay binihag ng mga armadong lalaki sa tahanan nito sa nabanggit na lugar dakong alas-12 ng tanghali noong Mayo 20 o isang araw bago nadiskubre ang bangkay nito. Narekober din sa lugar ang isang itak na sumusukat ng 23 pulgada na pag-aari ng biktima.

Ang nasabing lugar ay pinamumugaran ng NPA rebels sa ilalim ng North Eastern Minda­nao Regional Committee (NEMRC) Guerilla Front 16 A na pinamumunuan nina Ka Gab Monter at Sadam Dayong.

vuukle comment

KIDNAPPING

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with