Jeep hulog sa bangin: 8 dedo, 18 sugatan
MANILA, Philippines — Walo katao ang nasawi habang 18 pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa Sitio Hulandig, Brgy. San Jose, Libon, Albay kahapon ng hapon.
Kasalukuyan pang inaalam ng Albay Police ang pagkakakilanlan ng anim na nasawi at mga sugatang biktima na nilalapatan ng lunas sa Pantao District Hospital.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon habang bumabagtas sa nasabing highway ang kulay dilaw na pampasaherong jeepney (EVF-366) na minamaneho ni Rolando Olade, nang mawalan ng preno at aksidente itong mahulog sa bangin.
Nabatid na may lulang 30 katao ang jeep na galing Brgy. Pantao, Libon, Albay at patungo sa Centro Poblacion nang pagsapit sa pakurbadang daan ay pumalya ang preno nito at tuluy-tuloy na bumulusok pababa sa matarik na bangin.
- Latest