^

Probinsiya

Ex-chief traffic enforcer na ‘tulak’, tumba sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-chief traffic enforcer na �tulak�, tumba sa shootout
Dead-on-the-spot si Leodigario Recide alyas “Odec”, nasa hustong gulang, tubong Siniloan, Laguna at naninirahan sa Babaan Apartment, 2nd St., Jubilee Subdivision, sa nasabing lugar.

MANILA, Philippines — Isang dating chief traffic enforcer na umano’y kilabot na ‘tulak’ ng droga ang napatay ng mga otoridad matapos manlaban at makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sampaloc, Pagsanjan, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Leodigario Recide alyas “Odec”, nasa hustong gulang, tubong Siniloan, Laguna at naninirahan sa Babaan Apartment, 2nd St., Jubilee Subdivision, sa nasabing lugar.

Si Recide ay dating chief traffic enforcer na nakatalaga sa Siniloan, Laguna at nasa drug watchlist ng mga otoridad.

Sa ulat, bandang alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang shootout sa loob ng inuupahang apartment ni Recide.

Bago ito, nakatanggap ang mga otoridad ng impormasyon hinggil sa ilegal na gawain ng suspek na umano’y nagagawa nitong makapagbenta ng nasa halos 50 gramo ng shabu kada araw sa bayan ng Siniloan at Pagsanjan.

Gayunman, habang isinasagawa ng transaksyon ay nakatunog ang suspek   na undercover agent ang kanyang ka-deal kung kaya’t agad na bumunot ng baril at nagpaputok na agad naman ginantihan ng mga otoridad kung saan napuruhan ang suspek na agad bumulagta.

Nabatid na dati nang naaresto ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Firearms and Ammunition Law Act) at RA 9165 (Anti-Dangerous Drugs Act). Narekober sa crime scene ang P500.00 marked money at cal. 45 pistol na gamit ng suspek.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with