^

Probinsiya

Pinaslang na abogado may mga death threat

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinaslang na abogado may mga death threat
Ayon kay Brig. Gen. Joel Orduna, Director ng Police Regional Office (PRO) 1, nagtapat umano ang biktimang si Atty. Val Crisostomo sa kanyang pamilya na may mga natatanggap siyang mga death threats subalit hindi naman nito sinabi kung kanino galing ang mga pagbabanta.
Non Alquitran

MANILA, Philippines — May natatanggap na uma­nong mga death threats ang abugado na pinatay sa harapan ng Hall of Justice ng Dagupan City noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Brig. Gen. Joel Orduna, Director ng Police Regional Office (PRO) 1, nagtapat umano ang biktimang si Atty. Val Crisostomo sa kanyang pamilya na may mga natatanggap siyang mga death threats subalit hindi naman nito sinabi kung kanino galing ang mga pagbabanta.

Subalit sa ngayon ay humihingi pa umano ang pamil­ya ng biktima ng privacy at hintayin na lang muna na mailibing bago sila magsalita sa mga imbestigador. 

Aminado naman si Orduna na patuloy pa nilang inaalam ang motibo ng pamamaslang habang  ang itinatag na Special Investigation Task Group (SITG) ay kasalukuyan pang nagha­hanap ng mga ebidensya at mga saksi sa pamamaslang dahil hindi nakita ang ginawang krimen sa CCTV camera ng gusaling pinangyarihan ng krimen.

Matatandaang dakong alas-9:15 nitong Biyernes ng umaga nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman ang biktima na kakatapos lang dumalo ng hearing sa kaso ng numbers game na Peryahan ng Bayan. 

Mariin naman kinondena ng gaming technology Globaltech Mobile Online Corporation ang pamamaslang kay Crisostomo.

Ayon kay Atty. Bernard Votriolo, head for legal affairs ng Globaltech, si Crisostomo ay isa sa kanilang abogado na nagpapatuloy sa pagsampa ng kaso sa ilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsagawa ng iligal na raid sa operas­yon ng Peryahan ng Bayan games sa Pangasinan.

vuukle comment

CRIME

DEATH THREAT

VAL CRISOSTOMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with