^

Probinsiya

8 Chinese tiklo sa pekeng yosi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
8 Chinese tiklo sa pekeng yosi
Ayon kay Bulacan Pro­vincial Police Director Police Colonel Chito Ber­sa­luna, ang nasako­teng walong suspek ay pinaniniwalaang mga emplo-yers ng mga nasagip na manggagawa na kinabibilangan ng mga menor-de-edad.
File Photo

MANILA, Philippines — Arestado ang walong Chinese habang 87 manggagawa ang nasagip sa isinagawang raid ng mga otoridad sa isang pagawaan ng pekeng sigaril­yo sa Brgy. Patubig, Marilao, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay Bulacan Pro­vincial Police Director Police Colonel Chito Ber­sa­luna, ang nasako­teng walong suspek ay pinaniniwalaang mga emplo-yers ng mga nasagip na manggagawa na kinabibilangan ng mga menor-de-edad.

Gayunman, hindi pa matukoy ang pagkakaki­lanlan ng walong Chinese dahil kailangan pa ng inter­preter upang makausap ang mga ito nang maayos.

Ang raid ay isinagawa kamakalawa ng umaga sa loob ng Green Miles Compound, sa naturang lugar.

Bago ito ay nakatanggap ang mga otoridad ng tip hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek at nang mag­positibo ang im­pormasyon ay dito na ikinasa ang raid sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

 “The arrested suspects and rescued wor-kers are now under the custody of NBI Bulacan for documentation and filing of appropriate criminal charges. Further exhaustive investigation is conducted to determine the identity of the arres-ted Chinese nationals”, ang sabi pa ni Bersaluna.

vuukle comment

CHINESE ARRESTED FOR DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with