^

Probinsiya

Wanted sa pagpatay sa kinakasama nasakote

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Wanted sa pagpatay sa kinakasama nasakote
Ang suspek na si Ezra Dave Maling.

Cavite, Philippines — Nagwakas ang  mahigit 16 na taong pagtatago ng isang wanted sa pagpatay sa kaniyang kinakasama matapos siyang umuwi ng Pilipinas mula sa California kamakalawa.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director P/Col. William Segun, dakong 10:47 ng umaga nang abangan ng mga tauhan ng Special Operation Group ng Provincial Intelligence Branch (SOG-PIB)-Cavite ang suspek na si Ezra Dave Maling sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport pagkababa niya sa Korean Air Flight Number KE621 mula sa Los Angeles, California. 

Si Maling ay suspek sa pagpatay sa kaniyang live in partner na si Rebeny Grageda nuong March 17, 2003 sa kanilang bahay sa No. 31 Main St. Area III, Vista Verde Country Homes, Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Pinatay umano ni Ma­ling ang biktima matapos malaman ng suspek na makikipagbalikan ito sa da­ting asawa.

Nabatid pa na na-deport ang suspek mula sa Los Angeles, California dahil sa kasong Fraud kaya nakauwi ng Pilipinas.

vuukle comment

WANTED PERSON ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with