^

Probinsiya

6 arestado sa armas sa checkpoint

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
6 arestado sa armas sa checkpoint
Dakong alas-10:40 ng gabi nang parahin ng mga otoridad sa checkpoint ang paparating na Ford Everest na may conduction sticker COT426 na minamaneho ni Malacaste at Frontier Pick-Up (YGK-737) na minamaneho ni Amaroto.
File

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsak ng anim na katao na hinihinalang mga miyembro ng isang private armed group matapos masakote sa isang checkpoint ng mga otoridad makaraang masamsaman ng mga matataas na kalibre ng baril sa Brgy. Badiang sa bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na si Walter Malacaste, 35, Diomedes Amaroto Jr., 27; kapwa residente ng Brgy.Poblacion, Alvin De Leon,22, Vincent Mandal, 27, ng Brgy.Salvacion; pawang mga casual employee ng munisipyo, Remson Metante, 29, ng Brgy.Ginhan-ayan, Placer at Romnick Alfornon, 27, ng Brgy. Labigan, Pio Corpuz.

Dakong alas-10:40 ng gabi nang parahin ng mga otoridad sa checkpoint ang paparating na Ford Everest na may conduction sticker COT426 na minamaneho ni Malacaste at Frontier Pick-Up (YGK-737) na minamaneho ni Amaroto.

Gayunman, nang tingnan ng mga pulis at sundalo ang loob ng dalawang sasakyan ay nakita ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek kaya pinababa nila ito at nang tingnan ay dito na tu­mambad ang dala ng mga ito na mga armas.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga high powered firearms na M-16 A1 Rifle, Caliber 5.56mm Magpul Rifle, KG9 Luger, tatlong kalibre .45 baril at mahigit dalawandaang bala at magazine.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Comelec gunban ang mga suspek.

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with