^

Probinsiya

2 barangay chairman timbog sa loose firearms

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang barangay chairman kabilang ang isang lider ng gunrunning gang ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pag-ii­ngat ng mga baril na walang lisensya sa magkakahiwalay na operasyon sa  lalawigan ng Batangas at La Union kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Police Brigadier General Amador Corpus, unang nasakote bandang ala -11:00 ng gabi nitong Martes si Brgy. Chairman Gerardo Villanueva sa operasyon sa Brgy. San Sebastian, Balete, Batangas.

Ayon  kay CIDG Regional Chief Police Colonel Lawrence Cajipe, si Villanueva ay lider ng  isang notoryus na gunrunning gang na kumikilos sa buong Batangas at matagal nang isinasailalim sa masusing surveillance operation.

Sa lalawigan naman ng La Union, dakong alas-6:30 ng umaga nitong Miyerkules nang sumunod na masakote si Rodrigo Garcia, Brgy. Chairman sa Rimos 5 sa bayan ng Luna ng lalawigang ito.

Si Garcia ay inaresto  matapos makumpiskahan ng 180 rounds ng bala, 8 magazine para sa M16 rifle.

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with