^

Probinsiya

5-anyos nabaril ng 6-anyos na pinsan, patay

Jorge Hallare, Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
5-anyos nabaril ng 6-anyos na pinsan, patay
Tinangka pang isugod sa Daraga Doctors Hospital sa bayan ng Daraga pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa isang tama ng punglo na tumagos sa dibdib ang biktimang si Wayne Aliyah Arroz, residente ng nasabing barangay. Sandaling natulala at umiyak naman dahil sa sobrang takot ang pinsang lalaking nakabaril.

Legazpi City , Philippines  —  Patay ang isang limang taong gulang na batang babae matapos aksidenteng mabaril ng kanyang anim na taong gulang na pinsang lalaki sa Purok-4, Brgy. Baligang sa bayan ng Camalig, Albay noong Sabado ng hapon.

Tinangka pang isugod sa Daraga Doctors Hospital sa bayan ng Daraga pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa isang tama ng punglo na tumagos sa dibdib ang biktimang si Wayne Aliyah Arroz, residente ng nasabing barangay. Sandaling natulala at umiyak naman dahil sa sobrang takot ang pinsang lalaking nakabaril.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon, tinatawag ng ina ng totoy na suspek ang kapatid nitong lalaki para alisin ang bala ng kalibre .45 na baril na pag-aari ng asawa ng ginang na kasapi ng Philippine Army na naka-assign sa bayan ng Castilla, Sorsogon para sana itago sa ligtas na lugar.

Gayunman, habang nasa kusina ang nanay at tinatawag ang kapatid na lalaki ay dumating naman ang mga bata at nakita ang baril sa sala.

Wala sa loob na parang naglalarong kinuha ng totoy ang baril at itinutok nang malapitan sa dibdib ng pinsang biktima at bigla na lamang pumutok.

Bumulagta ang biktima na agad isinugod ng mga kaanak sa ospital pero hindi na umabot nang buhay.

Ayon sa pulisya, posibleng hindi marunong mag-unload ng bala ang napag-utusang kaanak kaya biglang pumutok ang baril nang kalabitin ito.

Maaari namang makasuhan ang sundalong may ari ng baril, kanyang asawa at ang kaanak na naatasang mag-unload ng baril dahil sa kapabayaan.

Itinuturing naman bilang Child in Conflict with the Law (CICL) ang batang lalaki na nakabaril.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with