^

Probinsiya

2 ‘scorer’, tulak nadakip

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 �scorer�, tulak nadakip
Nasa larawan ang tatlong suspek matapos madakma ng Dasmariñas Police sa isang drug bust  operation.
(Kuha ni Maria Cristina Go Timbang)

Cavite –, Philippines  —  Nadakip ng Dasmariñas Police sa pa­ngunguna ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, ang  dalawang lalaking scorer na dumayo pa sa lungsod ng Dasmariñas, gayundin ang pinagbilhan ng mga tulak sa isang drug bust operation ng pulisya sa Barangay Salawag, Dasmarinas, Cavite kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina, Ernesto Montano, 31-anyos, kilalang tulak, residente ng Armstrong, Brgy Salawag, Dasmariñas City, at ang 2 suspek na dumayo pa mula sa Muntinlupa upang umiskor ng shabu na sina Marlon Guban, 37, ng Camella Homes RV1 Tunasan, Muntinlupa City at si Jeffrey Lopez, 39, ng South Ville, Muntinlupa City. 

Sa panayam kay Col. Ricohermoso, ilang araw muna nilang minatyagan si Montano matapos ang ilang impormasyon ng ilang concerned citizen hinggil sa talamak na pagtutulak nito ng droga. 

Isang tauhan nito ang tumayong scorer at sumabay sa 2 suspek sa pag-iskor ng droga kay Montano. Nang magpositibo, dito na ito dinakma ng mga nakapaligid na kapulisan.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with