^

Probinsiya

2 barangay chairman itinumba

Gemma A. Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang barangay chairman nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa magkahiwalay na krimen sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur nitong Sabado.

Kinilala ang mga biktima na sina Edgardo Viñas, 49, punong barangay ng Barangay Dapaon, Sindangan at presidente ng Association of Barangay Captains ng Sindangan, Zamboanga del Norte, at Ibrahim Ungad, chairman ng Barangay New Laba­ngan, Zamboanga Del Sur.

Sa ulat na nakarating kay Police Regional Office 9 Director Police Brigadier General Emmanuel Luis Licup, unang binaril si Viñas sa ABC Hall sa Barangay La Roche, Sindangan bago mag alas-12:00 ng tanghali.

Batay sa imbestigasyon, katatapos lang ng kanilang session nang barilin si Viñas ng suspek gamit ang isang long firearm.

Tumakas ang suspek na nakasuot ng itim na damit at pulang helmet sakay ng isang motorsiklo patungong J. Teaño Street sa Barangay Goleo.

Makalipas ang ilang oras ay sumunod namang pinatay sa labas ng kanyang bahay si Ungad sa Purok Caimito sa Barangay Tuburan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Batay sa imbestigasyon, alas-6:45 ng gabi habang palabas ng bahay ang biktima at pagdating sa kanilang gate ay doon na ito nilapitan ng hindi nakilalang suspek at binaril gamit ang isang improvised 12-gauge shotgun.

Tumakas ang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo patungong Barangay Tiguman, Pagadian City. 

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with