2 kelot umatras sa pusoy, tinodas
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinaglalamayan na rin ngayon ang dalawang mister na pinagbabaril ng kanilang kalaro sa pusoy matapos silang umayaw sa laban sa isang burol ng kanilang namatay na kaanak sa Brgy. Cubcuboot, Candon City, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report, nagkaroon muna ng mainit na pagtatalo ang mga biktimang sina Ricardo Valdez Jr. at kaanak na si Ernesto Gadut sa mekanikong si Reynaldo Gamata ng Brgy. Lintic, Banayoyo saka sila itinumba ng huli.
Nagpulasan ang iba pang mga kaanak at bisita ng patay sa takot na madamay sa ngitngit ni Gamata na kaswal na naglakad palayo sa lugar.
Isinugod ng mga kaanak ang dalawang mister sa Candon General Hospital kung saan sila idineklarang patay.
Naglunsad ng pagtutugis ang pulisya kay Gamata na umano’y armado at mapanganib.
- Latest