^

Probinsiya

Rider sumemplang, pisak sa bus

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  —  Pisak ang ulo ng isang rider matapos na magulu­ngan ng pampasaherong bus  makaraang sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo na nauna nang sumalpok sa plastic barrier sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Bacoor City kahapon. Kinilala ang biktima na si Cresaldo Ranes, 35-anyos, company driver at residente ng 470 Clean Ville Manuyo 1, Las Piñas City. Sa ulat,  sakay ang biktima ng kanyang Mitsukoshi Euro Sport motorcycle at bumabagtas sa nasabing lugar nang maokupa nito ang center lane ng highway. 

May kabilisan ang takbo ng motorsiklo dahilan upang sumabit ito sa plastic barrier ng kalsada at sumemplang. Hindi na naiwasan ng kasunod na Erjohn /Almark Bus na nakarehistro sa South Point Carrier Bus Co. Inc., na minamaneho ni Jimson Salvador, 35, ng Zone 5 Amoroso St. Spring San Miguel, Bulacan ang motorsiklo at tuluyang nagulungan ang ulo ng biktima na ikinamatay agad nito. 

Hawak ng pulisya ang driver ng bus na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with