^

Probinsiya

P1.7-M shabu samsam sa 2 ‘tulak’

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P1.7-M shabu samsam sa 2 �tulak�
Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director, ang dalawang suspek na sina Rodel Cunanan alyas Ude, 39, may-asawa, ng 381 Purok 3, Brgy. Piel, Baliwag, Bulacan at Edilberto Perigrina Jr., alias Jr., 31, may-asawa ng 337 Sampaguita St., Brgy. Sullivan, Baliwag, Bulacan.
Miguel De Guzman

BALIWAG, Bulacan, Philippines — Aabot sa halagang P1.7-milyon ang nakumpiskang “shabu” ng Drug Enforcement Unit ng Baliwag Police Station kahapon ng madaling sa dalawang kilabot na tulak ng pinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Piel ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police director, ang dalawang suspek na sina Rodel Cunanan alyas Ude, 39, may-asawa, ng 381 Purok 3, Brgy. Piel, Baliwag, Bulacan at Edilberto Perigrina Jr., alias Jr., 31, may-asawa ng 337 Sampaguita St., Brgy. Sullivan, Baliwag, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni P/Lt.Col. Voltaire Rivera, acting chief ng Baliwag Police, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang DEU sa nasabing lugar kung saan nakumpiska sa tahanan ni alias Ude ang may 250 gramo ng shabu na may street value na P1.7 milyon. 

Ang dalawang suspek ang itinuturing na kilabot na tulak ng droga sa bayan ng Baliwag at kalapit na bayan sa lalawigan.

Narekober din sa mga suspek ang isang weighing scale, mga shabu paraphernalia at buy-bust money.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with