^

Probinsiya

2 bebot tiklo sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sa halip na mangilin kaugnay ng pag-alaala sa paghihirap ng Diyos, pinili pa ng dalawang babaeng sinasabing tulak na magbenta ng iligal na droga at nasakote sa inilatag na drug operation noong Biyernes Santo sa Total Gasoline station sakop ng Brgy. Ilayang Dupay sa lungsod. 

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ang mga nakapiit ng suspek na sina Lanie Cordora, 45, may asawa at residente ng Barangay San Jose, Dasmariñas Cavite at Anna Janelle Gagan, 32, on-line teacher at residente ng Barangay Gulang gulang sa lungsod na ito.

Ayon kay P/Lt. Col. Reydante Ariza, chief of police dito, si Cordora ang inginuso ni Geraldine Gajarion na kanyang supplier ng shabu matapos na masakote sa Room 315 ng Emperor Hotel sa Brgy. 6 noong gabi ng Abril 18, 2019 at nakuhaan ng mahigit 3 gramo ng droga.

 Sa follow-up operation ng CDEU, dinakip habang aktong nag-aabot na ng epektos si Cordora sa police asset kasama si Gagan na nakumpiskahan sa kabuuan ng 4 gramo ng shabu, P1,000 marked money at P500 drug money.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with