^

Probinsiya

12-anyos natusta sa resort

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Nagmistulang natus­tang isda ang katawan ng isang 12-anyos na lalaki makaraang makuryente habang umiigib ng tubig sa balon ng isang resort sa Sitio Mataas na Bato, Brgy. Rizal, kamakalawa ng gabi.

Sa kahilingan ng pamilya, itinago ang pangalan ng biktima sa alyas na Marco, residente ng nabanggit na barangay. Bandang alas-7:42 ng gabi ay inutusan ang biktima ng kanyang mga magulang na umigib ng tubig sa balon ng Villa Asea Resort.

Gayunman, habang hinihila nito ang timba ay napahawak ang bata sa nakalawit na live wire.

Dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan, agad na nagkikisay ang biktima at mabilis na isinugod sa ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na siya ng hininga.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with