^

Probinsiya

32 sugatan sa karambola

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines  —  Tatlumpu’t dalawang katao ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan  sa Sta. Maria, Isabela, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Sta. Maria Police, dakong alas-8 ng gabi nang aksidenteng matumbok ng isang Toyota Fortuner na minamaneho ni Dr. Jerome Wangdali, residente ng Sta. Teresita, Iguig, Cagayan ang sinusundan na kuliglig na minamaneho naman ni Biyo Danga ng Tuao, Cagayan.

Dahil sa lakas umano ng pagkasalpok ng Toyota Fortuner sa kuliglig na kapwa patungong hilaga ay inokupa ng mga ito ang dalawang linya ng kalsada.

Sakto naman na paparating ang isang Florida bus line na patungong Manila mula sa Sta. Ana, Cagayan kaya nahagip umano ng gulong nito ang dalawang nakaharang na sasakyan.

Bunsod nito, sumabog ang kaliwang gulong sa harapan ng bus na naging dahilan para bumaliktad ito sa kalsada. Agad na isinugod sa pagamutan ang 30 sakay ng Florida bus at ang driver ng kuliglig at SUV.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with