^

Probinsiya

Kinumpuning daan sa NLEX, SCTEX binuksan para sa Semana Santa

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines –Madadaa­nan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga kinumpuning mga linya ng kalsada sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEX at Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX ngayong uwian sa mga lalawigan para sa pag-obserba sa Semana Santa.

Ayon kay NLEX Corporation Vice President for Technology Glenn Campos, bahagi ito ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program na nagsususpinde ng lahat ng uri ng road works sa nasabing expressway mula Abril 12 hanggang 22.

Dahil dito, may mga pagkukumpuni na tinapos na at ang mga isinailalim sa maintenance ay nadaraanan na ngayon.

Halimbawa rito ang pagpapalit ng aspalto sa southbound lane ng Candaba viaduct o direksyon paluwas sa Metro Manila, mula sa bahagi ng Apalit, Pampanga hanggang Pulilan, Bulacan.

Patatakbuhin ito ng may 700 mga tellers at Patrol officers mula naman sa Abril 15 na Lunes Santo hanggang sa Abril 22, araw ng Lunes matapos ang Linggo ng pagkabuhay. Kaya’t tiniyak ng NLEX Corporation na bukas ang lahat ng toll booths sa lahat ng toll plaza nito.

Sa SCTEX naman, bukas na rin sa mga motorista ang mga isinaayos na linya sa Flo­ridablanca interchange sa Pampanga at sa Dinalupihan interchange sa Bataan.

 

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with