^

Probinsiya

Mangingisda na nagsoli ng 34 bricks cocaine, inaresto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang ma­ngingisda na una nang nag-turn over ng 34 bricks ng cocaine sa Surigao del Sur matapos na madiskubreng may itinatago pa siyang bloke-blokeng droga, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Gilberto Cruz,  ang suspek na si Ronnie Navales, 48, ay inaresto at isinailalim sa kustodya ng Tandag City Police Station.

Si Navales ay dating nagpasa sa mga awtoridad ng 34 bricks ng cocaine na nasa P170 milyong halaga na natagpuan nito kasama ang isa pang mangi­ngisda na si Ryan Apelo, 23, ng nakalutang sa dagat noong Pebrero 23.

Una nang tinukoy ni Cruz ang mga samaritano na nagsurender ng floating cocaine sa Tandag City Police ay sina Navales at kasamahan nitong si Ryan Apelo, 23.

Lumilitaw na sinad­yang itago ni Navales ang anim pang bricks ng floating cocaine at hindi lahat isinuko sa pulisya matapos na sa pagaakalang kikita ito sa pagbebenta ng droga.

“He had been subject for surveillance after police received reports that cocaine are being sold in the area of Surigao del Sur,” anang opisyal.

Nang mabatid ni Navales na pinaghahanap siya ng pulisya ay isinuko nito ang apat pang bricks ng cocaine at nai-flush na umano sa inidoro ang dalawa pang bricks.

vuukle comment

COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with