^

Probinsiya

Motor vs van: Ama, 2 anak patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motor vs van: Ama, 2 anak patay
Sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din sina Vicente Balde-rosa, 33; at dala­wang anak na sina Vincent Balderosa, nasa edad 1-5-anyos; at Marian Balderosa, nasa edad 5-10 taong gulang; habang patuloy namang inoobserbahan sa Doña Marta Hospital si Justine Balderosa, edad 10-15-anyos; pawang mga residente ng Brgy. Tagbakin.
File Photo

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Patay ang isang ama at kanyang da-lawang anak habang nasa malubhang kala­gayan ang isa pa nitong anak matapos sumemplang ang sinasakyan nilang motor at sumal­pok sa kasalubong na van sa Maharlika Highway sa Brgy. Balubad, sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan, nasawi noon din sina Vicente Balde-rosa, 33; at dala­wang anak na sina Vincent Balderosa, nasa edad 1-5-anyos; at Marian Balderosa, nasa edad 5-10 taong gulang; habang patuloy namang inoobserbahan sa Doña Marta Hospital si Justine Balderosa, edad 10-15-anyos; pawang mga residente ng Brgy. Tagbakin.

Ayon sa imbestigas­yon, dakong alas-7:30 ng gabi ay minamane-ho ng amang si Vicente ang kanyang Mitsukushi motorcycle nang naka-angkas ang tatlong anak at binabagtas ang nasabing lugar nang pagsapit umano sa pakur­badang bahagi ng kalsada ay sumemplang ito at tuluyang sumalpok sa kasalubong na Manila bound na Nissan Urvan Van (UOG-406) na minamaneho ni Jay-R Salvo, 28 ng Imus, Cavite.

Nasa kustodya nga­yon ng pulisya ang tsuper ng van at nahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

QUEZON ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with